Sugatan ang tatlong sakay ng dalawang motorsiklo sanggkot sa aksidente sa kahaaban ng National Road sa Barangay Mabini, San Andres, Romblon nitong hapon ng Linggo, June 16.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya police report mula sa opisina ni Police Captain Edwin Bautista, kalalabas lang ng kanilang compound ang rider na si Lawrence Alojado, 31, nang masalpok ng humaharurot na rider na si Robin Sevillo, 19.
Sinubukan umano ni Sevillo na mag-overtake sa isang truck ngunit aksidente nitong nasalpok ang motorsiklo ni Alojado na lumabas patungo ng National Road.
Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang dalawang rider ganun na rin ang menor de edad na angkas ni Sevillo.
Agad silang isinugod sa Romblon Provincial Hospital para ipagamot matapos magtamo ng sugat sa iba't ibang bahagi ng kanilang katawan.
Ayon kay Captain Bautista, dinala na sa San Andres Municipal Police Station ang sasakyang dalawang sangkot habang patuloy nilang inaantay kung may magrereklamo sa dalawang sangkot na rider.
Ang mga parehong rider ay walang mga lisensya at wala ring mga helmet nang mangyari ang nasabing aksidente.



































