Isinisisi ng pamunuan ng Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO) ang nangyaring brownout sa isla ng SIbuyan nitong gabi ng Linggo dahil sa isang ‘kabog’ o paniki.
Sumabit sa isa sa mga linya ng kuryente at sa pin insulator sa Sitio Parao, Brgy. Mabini s aSan Fernando na naging dahilan ng pagkawala sa supply ng kuryente sa Feeder 2 na nagbibigay ng supply ng kuryente sa Cabitangahan, Talaba, AMME Area hanggang Magdiwang Area.
Ayon sa mga residente ng Sibuyan, hindi naman nagtagal ang nasabing brownout at naibalik agad ang kuryente.
Samantala, inanunsyo ng ROMELCO na magkakaroon ng load shedding simula ngayong araw sa Isla ng Romblon dahil sa makina ng National Power Corporation.
Magtatagal ng hindi baba sa tatlong oras ang brownout na mararanasan sa buong munisipyo ng Romblon, ayon sa ROMELCO.