Handa na ang mga kapulisan sa lalawigan ng Romblon sa national at local elections na magaganap sa susunod na Lunes, May 13.
Nitong Huwebes, May 2, nagkaroon ng ceremonial send off sa Regional Headquarters Parade Ground sa Camp Gen. Efigenio sa Calapan City, Oriental Mindoro ng mga kapulisan na ilalagay sa Romblon at sa iba pang bahagi ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan).
Maglalagay umano ng 4,690 PNP personnel ang ikakalat sa 1,552 voting centers at 2, 679 clustered precincts sa buong rehiyon para mabigyan ng siguridad ang aabot sa 1,831,328 registered voters mula sa 1,460 barangays sa buong MIMAROPA sa araw ng halalan.
Sa pahayag ni PBGen Tomas Apolinario Jr., Regional Director ng PNP MIMAROPA, siniguro nito na magigign ligtas at tahimik ang magaganap na halalan sa Romblon at sa buong rehiyon sa susunod na Lunes.
Hinikayat rin ni Apolinario ang mga residente na makakaranas ng harrasment at iba pang insidente patungkol sa election sa pinakamalapit na police stations o di kaya ay sa kanilang mga hotline numbers. Nagbigay rin sila na pwedeng kontakin sa rehiyon:
Regional Operations Center
Smart-0998-598-5794
Globe-0917-626-9671
Regional Election Monitoring Center
TxtBlast- 0947-654-0045
Smart – 0928-967-6742
Globe- 0967-275-436