Niyanig ng lindol ang Southwestern Tagalog Region nitong umaga ng Sabado.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol na may lakas na Magnitude 5.5 ay naitala sa Rizal, Occidental Mindoro.
ADVERTISEMENT
Paggalaw ng tectonic ang dahilan ng lindol na naramdaman hanggang sa probinsya ng Romblon at Aklan.
Dagdag ng Phivolcs, walang inaasahang pinsala sa ari-arian ang lindol ngunit posible ang aftershocks malapit sa sentro ng lindol.