Sinimulan na ng ‘official carrier’ ng Commission on Election (COMELEC) na Air 21 nitong Martes, April 30, ang paghahatid sa mga ‘election materials and paraphernalia’ na gagamitin sa Mayo 13 midterm elections sa mga munisipyo sa Romblon.
Ayon kay sa opisina ni Atty. Patrick E. Enaje, Provincial Election Supervisor IV ng Commission on Election (COMELEC), inaasahang maihahatid ang mga lahat ng kagamitang nabanggit bago magsagawa ng synchronized final testing at sealing ng mga Vote Counting Machine (VCM) sa presinto.
Ang sinimulan ng ihatid na kagamitan ay ang official ballot na gagamitin sa eleksyon habang sa susunod na mga araw naman ang iba pang kagamitan.
Ang mga nabanggit ay iingatan muna sa Municipal Treasurers Offices at babantayan ng mga otoridad hanggang sa dumating ang halalan.