Nagsagawa ng clean-up drive sa naiulat ng Romblon News Network na maruming ilog sa Santa Maria ang ilang residente ng Barangay Concepcion Norte, Barangay Officials, Local Gov’t Unit, at NGO nitong Biyernes ng hapon.
Samu’t saring basura ang kanilang nakuha sa ilog magmula sa mga plastic na itinapon sa tubig, hanggang sa mga lumot na nagparumi sa hindi dumadaloy na ilog.
Gumamit rin sila ng heavy equipment para matanggap ang nakaharang na buhangin sa ilog para dumaloy na ang tubig patungo ng dagat.
Ayon sa ilang opisyal na nakausap ng Romblon News Network, ang basurang nakolekta ay dadalhin sa dumpsite ng Local Gov’t Unit sa Concepcion Sur para doon itapon.
Nagpaalala rin ang opisyal ng barangay na bawal magtapon ng basura sa ilog at pwedeng pagmultahin ang sinumang mahuhuling lalabag rito.