Tinapos sa pamamagitan ng Miting de Avance sa Odiongan Public Plaza ng magkalabang grupo nina Atty. Eleandro Madrona at ni incumbent Governor Eduardo Firmalo ang campaign period para sa eleksyon sa Lunes.
Unang nagsagawa ng Miting de Avance si Madrona na tumatakbong Congressman nitong Biyernes, kasama si incumbent Vice Governor Jose Riano na tumatakbong Gobernador, at ang kanyang partner na si incumbent SP Arming Gutierrez na tumatakbo naman sa pagka-bise gobernador.
Nagbahagi ng kani-kanilang plaporma patungkol sa pagbabago sa pamamahala sa Odiongan at sa probinsya ng Romblon ang grupo, kasama ang kanilang mga kandidato sa munisipyo ng Odiongan.
Sabado naman nagsagawa ng Miting de Avance ang grupo ni Firmalo sa Odiongan Public Plaza, kasama ang kanilang mga kandidato sa munisipyo ng Odiongan.
Bagamat sandaling nakaranas sila ng brownout bago pa magsalita ang kanilang mga kandidato, naging maayos sa kabuoan ang kanilang pagtitipon.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), hanggang 11:59 lang ng Sabado, May 11 pwedeng mangampanya ang mga kanidato sa midterm elections. Posible umanong maparusahan ang lalabag rito.