Iprinoklama na bilang bagong alkalde ng bayan ng Santa Maria, Romblon ang incumbent Vice Mayor nito na si Lorelie Fabon.
Sa botong 3179, tinalo ni Fabon sa botohan si Diding Ledesma-Persson na nakakuha lamang ng 1,451 votes mula sa walong presinto sa bayan.
Si Fabon na tubong Barangay Sto. Nino ang kauna-unahang babaeng alkalde na pangungunahan 5th class municipality na Santa Maria.
Nagsimula si Fabon bilang isang barangay captain kung saan nagtagal siya ng isang termino hanggang tumakbo sa pagka-konsehal at tumagal rin ng isang termino. Sinunod niyang tinakbohan ang pagiging Vice Mayor noong 2016 hanggang sa manalo ngayong taon.
Samantala, wagi si Dennis Corpin ng Nationalista Party kontra sa kalab nitong sina Bhing Mariño, at Henerito Ibabao, sa pagka-bise alkalde ng bayan.
Naiproklama na rin bilang mga nanalong konsehal sina Nonoy Madrid, May Manoy, Tess Mangaya, Roland Largueza, Joy Astillo, Limuel Manago, Vivian Mendezabal, at Limuel Mijares.