Bago paman magsimulang magsalita ang mga kandidato ng grupo ni incumbent Eduardo Firmalo sa kanilang Miting de Avance sa bayan ng Odiongan, biglang nagdilim sa paligid matapos tamaan ng brownout ang Poblacion nitong gabi ng Sabado, May 11.
Nagkaroon ng biglaang power interruption sa supply ng kuryente sa Poblacion na nasasakupan ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO).
Sa halip na tumigil ang tao dahil sa madilim, nagbukas sila ng ilaw ng kanilang cellphone at nagpahayag ng kanilang malakas na suporta kay Firmalo na lumalaban sa pagka-Congressman sa lalawigan ng Romblon kontra kay Atty. Eleandro Madrona.
Bumalik naman ang kuryente makalipas ang halos anim na minuto.
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) at Sunwest Water & Electric Company, (SUWECO) kaugnay sa nasabing power interruption.
Matatandaang nitong Huwebes rin ng gabi ay tinamaan ng brownot ang isla ng Romblon kung saan nagsasagawa rin ng Miting de Avance sa lugar ang grupo ni Firmalo. Paliwanag ng Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO), ang brownout ay sanhi ng pag trip ng isang makina sa planta ng National Power Corporation o NPC sa isla.