Nasa mga local government umano ng bawat lugar ang sagot para matugunan ang problema pagdating sa kakulangan ng tubig sa kanilang lugar.
Ito ang pahayag ni reelectionist Senator Cynthia Villar ng makapanayam ng mga mamahayag sa Romblon nitong Sabado, April 6.
“Alam niyo ‘yung shortage of water ay strategy ng local gov’t eh, minsan nakiki-joint venture sila sa mga companies to help them, minsan they solve it by themselves, dipende how they will approach it,” pahayag ni Villar.
Dahil sa nararanasang weak El Niño, ilang lugar sa lalawigan ang nakakaranas na ng shortage ng tubig kagaya nalang sa bayan ng Romblon, Romblon kung saan nagrarasyon na ang ilang mga water tankers sa mga bahay para matustusan lang ang pangangailangan sa tubig.
Handa naman umano tumulong ang national government ngunit hindi umano sa kanila ang sagot sa nasabing problema.
“Siyempre, ang gobyerno tumutulong din jan pero more often than not hindi enough yung tulong ng national government sa water problem ng isang local government. So, nasa local government yan how they will approach it. Kami, tutulong lang pero hindi talagang masosolve ng national ‘yung problem ng local,” dagdag ni Villar.