Dumalo bilang panauhing tagapagsalita si reelectionist Senator Cynthia Villar sa pagdiriwang ng Kanidugan Festival 2019 sa bayan ng Odiongan nitong Sabado, April 6.
Sa talumpati ni Villar, ipinunto nito na kung sakaling muli siyang mahalal na senador, ay kanya muling pamumunuan ang Committee on Agriculture and Food Security para matutukon umano nito ang mga magsasaka.
Sinabi ni Villar na muli niyang isusulong ang coco levy fund bill sa senado kung sakaling muli siyang mahalal sa darating na halalan.
Ang nasabing bill ay na vetoe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kadahilanang hindi umano kulang umano ang ‘safeguards’ ng nasabing bill para maging batas. Makikipag-usap umano si Villar sa Pangulo at sa iba pang mababatas para masolusyunan ang problema sa nasabing bill.
Malaking tulong umano ito sa mga magsasaka, kagaya nalang sa lalawigan ng Romblon na isa ang niyog ang pangunahing produkto.