Nakatanggap ng livelihood assitance mula sa Department of Labor and Employment ang isang asosyon sa Concepcion National High School para sa kanilang pwedeng hanapbuhay sa loob ng paaralan.
Ayon kay Mr. Carlo B. Villaflores, DOLE Romblon FO, nakatanggap ng aabot sa Php 967,653.00 ang Concepcion National High School Parent Teachers Association (CNHS PTA) at ang co-partner nito na Barangay San Pedro bilang tulong sa pag manage ng kanilang School Canteen at pagkakaroon ng Catering Service bilang kanilang Livelihood Project.
Masayang tinanggap ito ng asosasyon at ng Barangay San Pedro dahil malaking tulong ito lalo na sa mga magulang na nagpapaaral ng kanilang mga anak na kapos sa buhay.
Sinabi nila na papalaguin nila ang ibinigay na assistance para umano makatulong rin sa iba.