Nakakaranas na ng tagtuyot ang probinsya ng Romblon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) kabilang ang 40 pang probinsya sa bansa.
Batay sa datus ng PAGASA, mahigit 20% na ng bansa ang nakakaranas ng drought habang dry spell naman ang nararanasan ng iba pang probinsya.
Ang iba pang probinsya na apektado ng tagtuyot ay ang: Bataan, Metro Manila, Cavite, Marinduque, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Sorsogon, Aklan, Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, at Samar.
Inilalagay sa status na drought o ang severe dry condition ang isang probinsya kung way below normal ang nararanasang ulan sa isang probinsya o 60 percent reduction from average.
Posible naman umanong maging normal ang condition ng karamihang lugar sa bansa sa susunod na buwan.