Nauwi sa pananaksak ang inuman ng tatlong magkakapatid sa bayan ng Santa Fe, Romblon nitong gabi ng Sabado de Gloria, April 20.
Batay sa police report na nakarating sa opisina ni Police Captain Ledilyn Ambonan, spokesperson ng Romblon Police Provincial Office, bandang alas-8:20 ng gabi, nag-iinuman ang magkakapatid na Deck, Jade, at Victor Galus Espineda. Habang nag-iinuman ang dalawa, nagkainitan umano ito dahil sa nasirang bass speaker na ginamit ng dalawa.
Hindi nagtagal ay bumunot ng isang matalim na bagay ang suspek na si Victor at sinubukang sinaksak ang biktimang si Deck ngunit hindi ito tinamaan, maya-maya pa ay bumunot rin ng matalim na bagay ang isa pang suspek na si Jade, dito na tinamaan sa paa ang biktima.
Agad na dinala ang biktima sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa bayan ng Looc para ipagamot.
Samantala, naaresto ng mga tauhan ng Santa Fe Municipal Police Station ang si Victor habang si Jade ay nakatakas matapos ang krimen. Patuloy ang ginagawang hot pursuit operation laban sa nakatakas na suspek.