Isang street dance at civic parade paikot sa Poblacion, Looc ang inaasahang magiging kick-off ng pagdiriwang ng Talabukon Festival ng bayan ngayong taon.
Ayon sa organizer ng event na si Leonard Gabuna, magsisimula ang parada sa April 25, pagpatak ng alas-8:30 ng umaga, kung saan walong tribes ang magpapakitang gilas sa kanilang mga sayaw.
Maliban rito, isa rin sa highlights ng kasiyahan ang parada ng mahigit 100 lechong baboy sa bayan.
Ang Talabukon Festival ay nagmula sa alamat ng isang higanteng di umano’y nagligtas sa bayan ng Looc, ito ay bahagi rin ng fiesta ni Saint Joseph, ang patron saint ng bayan.