May mas malayo pang mararating ng sector ng turismo ng lalawigan ng Romblon, ayon kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos, na tumatakbo sa pagka-Senador, ng makapanayam ng mga lokal na mamahayag nitong April 25, Huwebes.
“Riding the helicopter from Boracay kitang-kita there are miles and miles of white beach. Perhaps, let’s take the late development of tourism as a blessing nalang, at least hindi na tayo magkakamali katulad sa Boracay,” ayon kay Marcos.
Hindi umano dapat matakot ang mga taga-Romblon na ipagmalaki ang lalawigan dahil sa wala lang mga malalaking hotels at resort sa probinsya.
“Huwag kayo ma discourage na walang malalaking hotel, wala kayong malalaking resort dito sa Romblon. Kasi sa Ilocos Norte, three million tourist na kami pero wala kami masyadong malaking hotel o resort,” dagdag ni Marcos.
“Ang uso ngayon sa millineal’s style [na budget travelling] uso sa kanila ang ‘Glamping’ o ang Glamourous Camping,” sinabi pa nito.
Sinabi ni Marcos na masaya na ang mga tao ngayon na nasa tent lang basta may kuryente at tubig, sulit na umano ang kanilang travel.
Naikwento rin ni Marcos sa mga mamahayag na bata palang umano ito ay lagi ng pumupunta sa Romblon kasama ang kanang ama na si dating Presidente Ferdinand Marcos, sakay ng presidential yacht noong panahon ng administrasyon ng kanyang ama.
Nasa Romblon nitong April 25 si Marcos kasama si Sen. Cynthia Villar para dumalo sa pagdiriwang ng ika-19 taon ng Talabukon Festival ng bayan ng Looc.