Hinahamon sa isang public debate ni dating Judge Jose Madrid ang katungali ng kanilang grupo ngayong mid-term election magmula sa tumatakbo sa Congressman hanggang Sangguniang Panlalawigan.
Sa press breifing na ginanap sa Odingan nitong Miyerkules ng tanghali, sinabi ni Madrid na panahon na umano para magkaroon ng debate para masagot na ang lahat ng tanong ng mga tao.
“Yung kampo nila, at kampo namin para malaman [natin] who among this candidates are realy worthy to be elected by the people,” pahayag ni Madrid.
Humiling ng tulong si Madrid sa Romblon Media Association para maorganisa ang nasabing debate at sana ay mangyari bago matapos ang buwan ng Abril.
“If possible, before the start of May so we could prepare any topic under the heat of the sun, I am more than willing to face anybody in public,” dagdag ni Madrid.
“Sapagkat, ang sinasabi nila na sila raw ay ganun…ay di ipakita nila sa publiko,” ayon pa rito.
Si Madrid ay tumatakbo sa pagka-Sangguniang Panlalawigan sa second district sa ilalim ng ticket ni incumbent Governor Eduardo Firmalo.