Mahigit 100 letchong manok at baboy ang ipinarada ngayong araw, April 25, sa bayan ng Looc para paghati-hatian ng mga manonood at bisita.
Ito ay bahagi ng ika-dalawang taon ng Lechon Festival na bahagi rin ng Talabukon Festival na 19 taon ng ipnagdiriwang sa bayan.
Halos hindi mahulugan ng karayom ang kalsada sa harap ng Looc Public Plaza matapos mapuno ng mga residente at bisitang nag-uunahan para makakuha ng bahagi ng mga letchon.
Ayon sa ilang bisita na nakuasap ng Romblon News Network, first time umano nila dumalo sa ganitong pagdiriwang at sulit umano dahil ‘masarap na masarap’ ang pagkakaluto sa mga letchon.
“Sana meron pa sa susunod na taon, happy Fiesta Looc!” pahayag ng isa sa mga bisita.
Tinataya ng mga organizers ng nasabing event na mas marami ang dumalo ngayong taon at maraming nag-abang rito kesa noong nakaraang taon.