May nakikitang pagtaas ng kaso ng dengue sa probinsya ng Romblon ngayong unang tatlong buwan ng 2019 kahit na nakakaranas ang probinsya ng El Niño phephenomenon, ayon sa Department of Health – Romblon.
Ayon kay Ralph Falculan ng DOH-Romblon, may naitala na ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng DOH-MIMAROPA, na dengue cases na aabot sa 71 katao nito lamang January 1 hanggang March 29, 2019.
Batay sa report ng RESU ng DOH-MIMAROPA, pinakamaraming kaso ang naitala sa bayan ng Romblon, na sinundan ng Looc, Odiongan, Santa Fe, San Jose, Alcantara, San Andres, at Cajidiocan.
“Wala namang naiulat na namatay sa probinsya natin among jan sa mga kaso ng dengue,” pahayag ni Falculan sa Romblon News Network.
Sinabi rin nito na kahit mainit ang panahon ay may mga nagkakasakit parin ng dengue dahil ang mga lamok umano ay naninirahan parin sa mga na-stock na tubig, katulad ng tubig sa gulong, sa bulaklak, at sa iba pa.
Payo ng kinauukulan, linisin ang kani-kanilang mga bakuran para hindi pamahayan ng mga lamok na may dala ng nasabing sakit at kumunsulta rin umano agad sa doctor kapag nakitaan ng senyales na may dengue virus.