Tatlong ilog sa Romblon ang inuri ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dipende sa kanilang pwedeng gamit, dagdag sa 824 na total na ilog na inuri na ng ahensya.
Batay sa memorandum circular na nilabas ni DENR Secretary Roy Cimatu, ito ay ang mga ilog ng Bangon, Gabawan at Bongoy sa Barangay Bangon, Gabawan, sa bayan ng Odiongan.
Inuri ang mga nabanggit na ilog bilang “C” or “SC”, kung saan pwedeng mag-alaga at magpalaki ng isda at iba pang aquatic resources.
Ang nasabing memorandum order ay alinsunod sa Administrative Order 2016-08 o ang Water Quality Guidelines and General Effluent Standards of 2016. Batay kasi sa Republic Act (RA) 9275 o ang Philippine Clean Water Act of 2004, ang DENR ang ahensyang naatasan para i-categorized ang mga ilog, dagat, lake, at iba pa dipende sa kanilang kalidad, area, purpose, at vulnerability sa pollution.
Sinabi ni Climatu na ang pag-classify sa mga nabanggit na ilog ay makakatulong para sa mga planners at LGU kung paano nila i-dedevelop ang nabanggit na mga ilog.
““With these classifications, we are able to determine the programs and activities to implement so that we can optimize the use of our water resources and make them beneficial to our welfare and health,” ayon kay Climatu.