Labing-walong Grade 12 students mula sa iba’t-ibang paaralang pang-sekondarya sa Romblon ang pumasa sa qualifying exam ng DOST-Science Education Institute Undergraduate Scholarship.
Ito ay bumubuo ng 10.33 porsyento mula sa 186 kabuuang na nakapasa sa buong rehiyon ng Mimaropa.
Ang RA 7687 o mas kilala bilang Undergraduate Scholarship ng DOST ay naglalayong makatulong sa pag-aaral ng mga magagaling na batang papasok ng kolehiyo at kukuha ng kursong may kinalaman sa Siyensa at Teknolohiya sa mga state colleges at universities na kinikilala ng CHED bilang mga sentro ng katalinuhan at kagalingan.
Ang matatalinong iskolar ay makakatangap ng mga sumusunod na pribilehiyo: P40,000/academic year para sa matrikula iba pang bayarin sa paaralan (if applicable), P10,000/year para sa book allowance at P7,000 na monthly stipend.
Ang mga pangalan ng mapapalad at matatalinong bagong iskolar na naghatid ng karangalan sa Romblon ay sina Nicolaitte Amor P. Alubog – Looc National High School; Reyan F. Castillon (Odiongan) – Polytechnic University of the Philippines; Isaiah Dale L. Delos Reyes – Alcantara National High School; Jeffrey Rouisse F. Factor – Corcuera National High School; Joven F. Fajilan – Corcuera National High School; Keith Rodmyk F. Fajilan – Corcuera National High School; Eunise F. Ferrer (Banton) – AMA Computer College; Francis Kennard F. Festin – Virginia Centurione Bracelli School; Mary Joy M. Fruelda – Calatrava National High School; Ricky Jr. B. Gacu – Alcantara National High School; Darryl T. Martin – Looc National High School; Syram R. Mesias – Cajidiocan National High School; Denver M. Montojo – Romblon National High School; Marlo M. Nepomuceno – Looc National High School; Mary Rose B. Prudente – Looc National High School, Jonna Mae R. Recto – Don Carlos Mejias Memorial High School; Mary Kristalyne F. Rodeo Looc National High School at Mea Jane B. Visca – Alcantara National High School
Ang mga nakapasang iskolar ay makakatanggap ng liham mula sa tanggapan ng DOST-SEI or DOST Mimaropa Regional Office na nagsasaad kung kailan ang petsa ng oryentasyon at paglagda ng kontrata ng mga estudyanteng pumasa.
Kailangan din ng mga ito na magreport sa designated venue na kasama ang kanilang magulang o legal guardian at kinakailangang magdala ng 2019 Community Tax Certificate or Official Passport upang maipresenta o katunayan na sila ang magulang ng bata. Ang legal guardian naman ay kailangang magpakita ng affidavit of guardianship.
Para sa karagdagang impormasyon, magsadya lamang sa tanggapan ng DOST Romblon na matatagpuan sa J.P Laurel St., Brgy. Tabing-dagat, Odiongan sa tabi ng Bungoy river o tumawag sa mga numerong 09989844385 (smart) at 09778368162 (globe).(DMM/PIA-MIMAROPA/Romblon)