Nagtipon-tipon ang mga motorcycle riders sa Tablas Island, Romblon nitong linggo para iprotesta ang provision ng Republic Act 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act, lalo na ang doble plaka.
Nag-ikot sila mula sa Plaza ng Odiongan, kasabay ang pagbusina ng kanilang mga motorsiklo, patungong Barangay Poctoy at pabalik sa Plaza.
Ilan sa mga nakiisa sa protesta ay ang mga riders mula sa Tablas Motorcycle Riders Club, Romblon Tigers, at MRO.
Sa pahayag ng isa sa mga nakiisa sa pagkilos na si Wilson Fortaleza, sinabi nito na ‘kahit dito sa Odiongan ay ramdam ang pagtutol sa bagong patakaran dahil sa diskriminasyon at isyu ng kaligtasan sa mga riders’.
Ayon sa mga report, balak gawing 250mm by 220mm ang mga plaka ng motorsiklo at ito umano ay mapanganib sa mga rider at posibleng maging dahilan ng aksidente.
Samantala, sinabi ni Senator Richard Gordon, may akda sa nasabing batas, na dapat gawin na ng Land Transportation Office (LTO) ang implementing rules and regulations (IRR) ng nasabing batas.
Makakatulong umano ito para masawata ang mga riding-in-tandem criminals sa Pilipinas.