Nakakaranas na ng dry spell ang probinsya ng Romblon dahil sa kakulangan ng tubig ulan at mainit na panahon, ayon sa datus na nilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Bago matapos ang February 2019 ay nakakaranas na ang probinsya ng Romblon ng dry spell at inaasahan itong magpapatuloy hanggang matapos ang Marso.
Maliban sa Romblon, nakakaranas na rin ng dry spell ang ilang probinsya sa Pilipinas kagaya ng Ilocos Sur, La Union, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Catanduanes, Aklan, Zamboanga del Norte, Misamis Occidental, at Tawi-Tawi.
Drought (three consecutive months of way below normal rainfall) naman ang nararanasan ng mga probinsya ng Ilocos Norte, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay, Maguindanao, at Sulu.
Sinabi rin ng PAGASA na mas madadagdagan pa ang mga lugar na makakaranas ng dry spell at drought sa Pilipinas bago matapos ang April 2019.