Pinuri ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pamunuan ng Romblon Electric Cooperative, Inc. (ROMELCO) dahil sa mga achievements nito sa larangan ng pagpapaganda ng elektrisdad sa mga lugar na kanilang nasasakupan.
Sinabi ni Sec. Nograles na hindi na kailangang pasukan ng mga private privatize power distributor ang probinsya ng Romblon dahil maganda umano ang pamamalagad ng electric cooperative.
Binanggit ni Sec. Nograles ang mga proyekto ng ROMELCO katulad ng 100% renewable energy sa Cantingas River, at sa Cobrador Island; gayun rin ang bagong tayong wind turbine sa Romblon Island na itinayo sa ilalim ng pamumuno ni General Manager Rene Fajilagutan.
Si Sec. Nograles ay nasa Romblon para dumalo sa 27th Annual General Membership Assembly ng ROMELCO nitong Sabado.