Mula sa 31 na kaso ng nag-positibo sa Human immunodeficiency virus (HIV), at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) noong 2017, nakapagtala ng karagdagang 10 kaso ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng Department of Health MIMAROPA noong nakaraang taon sa lalawigan ng Romblon.
Batay sa nakuhang datus ng Romblon News Network sa Department of Health – Romblon, may 41 na kaso na ang lalawigan as mula 1984 hanggang December 2018.
Pinakamaraming nadagdag na kaso ay naitala sa bayan ng Romblon, Romblon kung saan may 5 sa 10 na pasyente ay naitalaga na nakatira sa nasabing bayan.
Ayon kay Ralph Falculan ng DOH-Romblon, ang 10 naidagdag sa bilang ay pawang mga lalaki at pinakamarami rito ay edad 15 hanggang 34 taong gulang.
Sa mga naunang pahayag, sinabi ni Falculan na hindi umano maikakaila na tumaas ang numer ng mga pasyenteng na diagnose na may Human immunodeficiency virus sa lalawigan dahil noong nakaraang taon ay may walong naitala sa probinsya.
Hinihikayat ni Falculan ang publiko na siguraduhing sa partner lang makipagtalik o kung hindi mapigilan ay gumamit ng condom.
Sinabi rin niya na ugaliing magpa-test regularly every 6 months sa HIV/AIDS Treatment Hub o Red Shelter sa Romblon Provincial Hospital, Odiongan dahil libre naman umano ito.