Sinimulan ng paigtingin ng Department of Labor and Employment (DOLE) – Romblon sa tulong ng Occupational Safety Health Center ng rehiyon ng MIMAROPA, ang kompanya at pag-promote sa kaligtasan ng mga workers sa Romblon.
Ayon kay Carlo B. Villaflores, provincial director ng DOLE-Romblon, layunin nila na mag-comply ang mga business establishments sa bagong batas na Republic Act 11058, o An Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards.
Kaugnay nito, nagsagawa ng orientation nitong March 28 sa Odiongan ang DOLE-Romblon para pagusapan ang bagong batas. Dinaluhan ito ng mga may-ari, human resource manager, liaison officer, at ilang empleyado ng mga business establishments sa probinsya.
Ayon kay Engr. Melani Banayos, Supervising LEO ng Bureau of Working Conditions ng DOLE, ilan sa laman ng batas na dapat sundin ng mga business establishments ay ang pagsasagawa ng libreng mandatory safety seminars para sa lahat ng kanilang empleyado.
Maliban sa bagong batas, tinalakay naman ni Romeo Opis, Board Sercretary ng Regional Tripartite Wages and Producivitiy Board, ang pagpapatupad ng dagdag sahod sa mga minimum wage earners sa probinsya.
Samantala, bago matapos ang orientation, muling inactivate ng Department of Labor and Employment (DOLE) – Romblon ang Romblon Provincial Tripartite Industrial Peace Council (PTIPC) at Tripartite Industrial Peace Council para matulungan ang mga mangagawa na makabuo ng maayos ng working environment.