Isang bahay na gawa sa raw materials ang tinupok ng apoy nitong nakaraang Lunes, March 18, sa Sitio Tungod, Barangay Lamao, Romblon, Romblon.
Ang nasabing bahay ay pagmamay-ari ni Lucia Opimo y Fajilagutan, 59-anyos.
Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection – Romblon, pasado alas-8:30 ng gabi matapos na kumain ng hapunan ang mga tao sa bahay ni Fajilagutan, pumunta sila sa kapitbahay para makinood ng Television (TV). Ilang minuto pa ang nakalipas ng mapansin nila na umaapoy na ang kanilang bahay.
Posible umanong nagsimula ang sunog sa uminit na electrical outlet na nasa bahay ni Fajilagutan, ayon sa BFP.
Pasado alas-10 na ng gabi ng tuluyang ideklara ng BFP na fire out na ang nasabing sunog.
Tinatayang aabot sa mahigit P40,000 ang halaga ng mga nasunog na ari-arian sa bahay ni Fajilagutan ngunit kahit ganito umano ang nangyari ay nagpapasalamat parin sila dahil walang nasaktan umano sa kanilang mga kamag-anak.