Bilang suporta sa adbokasya ni Pangulong Rodrigo Duterte, ikinasa sa bayan ng Odiongan, Romblon ang kauna-unahang olympics ng larong Minero, ang board game na tatak Romblomanon.
Ang nasabing tournament ay inorganisa ng nasa likod ng nasabing board game na sina Alcantara SB Member Joy Morales, at co-inventor Jim Sim.
Sumali rito ang mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa Odiongan magmula elementarya hanggang college, gayun rin ang ilang professionals.
Layunin ng palaro na humubog na magiging magaling, at magiging grandmaster na Romblomanon bago pa magkaroon ng grandmaster na mula sa ibang probinsya. Malaking tulong rin ang nasabing palaro para makahikayat pa ng ibang mga taga-Romblon na masubukan ang sarili nating board game.
Sa mga naunang paliwanag ng imbentor ng Minero, ito ay orihinal na inimbento upang maging inter-arctive training work book sa pagpapahusay ng kakayahan ng mga tao sa tinatawag na abstract reasoning, gayunman ay natuklasn na lamang ng mga imbentor na nakalikha na pala siya ng magandang board game. Higit pang pinaghusay at inihanda ang Minero upang ito ay makatulong hindi lang sa pagpapatalas ng kakayahan sa nasabing aspekto gayundin sa paglinang ng wastong asal at sa paghubog sa mga manlalaro ng tamang prinsipyo ng pakikipagkapwa at sa pagpapayaman sa sarili simula sa karunungan.
Ang Minero ay maaring laruin dalawa hanggang anim na manlalaro na maaring ito’y bata, matatanda, lalake o babae. Maaring matutunan agad ang Easy Level 1-4 sa loob lamang ng mga 10 minuto. Sa loob ng ilang oras ay maari nang sumabak ang baguhang manlalaro sa isang tournament.
Katulad ng chess at dama ay parehong one rule mind sport rin ang Minero kaya’t iisa lang ang maaring maging pinakamagaling dito sa buong mundo. Kaso, hindi katulad ng chess, ang Minero ay ginawang level-up, ito ay may sari-saring level game versions upang ang mga players ay mabigyan ng maraming oportunidad na makapag-uwi ng karangalan para sa kanyang koponan o sarili.
Ang Minero ay binubuo ng board game at mga piyesa na tinatawag na ‘hunteers’. Ang mga hunteers ay ang apat na piyesang ginagamit ng mga manlalaro. May isa pang piyesa na tinatawag nilang ‘momo’, ito ay isang piyesang maaring gamitin ng lahat kung torno na nilang sumulong. Maari gamiting pangharang ang momo sa mga hunteers upang hindi sila maka-buo ng winning pattersn o mina.