Todo-harana ang mga kapulisan ngayong Valentine’s Day sa paghaharanap: sa class room tulad sa Gasan, Marinduque o kaya sa kalsada gaya sa Socorro, Oriental Mindoro.
Pero kung mapapadaan kayo sa Pinalamayan, Oriental Mindoro sa lnggong ito, baka suwertehin kayong makapag-uwi ng libreng Sunflower.
Mula pa noong Lunes, namimigay na ang ilang mga tauhan ng Pinalamayan Municipal Station sa mga motorista, mapa-babaae man o lalaki.
Ang mga bulaklak ay hinango sa Sunflower Garden ng Pinamalayan MPS na ginagawang pasyalan ng mga kababayan lalo na tuwing weekend.
Ayon kay Police Chief Inspector Alvimar Flores, ang Officer-In-Charge ng Pinamalayan Municipal Station,”tinutulungan kami ng aming drug surrenderers (sa pagtatanim) sa Sunflower Garden para madiver ang atensyon…bahagi po ng aming recovery and wellness program (RWP) ng PNP.”
Dahil tubong Bacolod kung saan nakita nya ang malakas ng impact ng pag-aalaga ng Sunflower, sinubukan ni Inspector Flores na magamit sa programa kontra droga sa Pinamalayan.
Mahigit sa 1,000 sunflower ang itinanim sa lupang pinahiram ni Pinamalayan Mayor Aristeo Baldos Jr. nitong Enero katulong ang mga drug surrenderer ng bayan.
“Mamumulaklak ang Sunflower sa loob ng 45 araw,” sabi ni Flores na umaasang maraming aanihin para sa pagdiriwang ng kapistahan ng Pinamalayan.
Bukod sa pagtatanim ng halaman, sinabi ni Flores na sumasailalim din sa mga lecture session ang mga surrenderer sa loob ng tatlong buwan.
May ekpersto na sumusuri din sa mga surrenderers para mabatid ang kanilang kahandaan sa pagbabalik sa kanilang kumunidad.
“Kami po sa Pinamalayan, sincere kaming makatulong sa community para hindi na po bumalik ang mga drug surrenderer sa kanilang bisyo,” sabi ni Flores. (LP/PIA-Mimaropa)