Sa ika-apat na subok ng Provincial Development Council (PDC) na pulungin ang mga kasapi nito upang ipasa ang 2019 annual budget ng provincial government, akalain mong wala pa ring quorum. As usual maraming mga mayors ang absent. (Read related news here).
Pero yung mga walang valid na dahilan ng kanilang pagliban, aba hindi na po kayo nakakatuwa at nakakatulong sa operasyon ng provincial government at sa pangkalahatang pag-unlad ng lalawigan. Meron pa nga daw mayor na dati hindi dumalo sa meeting, pero nandon lang naman daw pala sa basketball court at nanunood. Kung walang valid na dahilan ang pagliban, ano pa kaya ang maaaring motibo ng mga ito? Ano pa nga ba e natural pulitika.
Samantala, nabalitaan naman natin ang pagsisikap ng ibang mga alkalde na makadalo, katulad halimbawa ni Mayor Rachel Banares ng Corcuera na nasa hospital, pero nagpaalam saglit makadalo lang, tapos yun pala e absent din ang iba.
Itong mga mayors na absent nang walang valid na dahilan, be reminded that, it is your duty to attend the PDC Meeting as component members of the said council pursuant to Section 107 of the Local Government Code and related Executive Order No. 471, s. 1991.
Kung hindi nyo po kayang gampanan ang inyong obligasyon sa simpleng pagdalo sa mga meetings na pinapatawag ng konseho kung saan kayo ay myembro, gaano pa kaya ang mas komplikadong obligasyon ninyo sa inyong mga sariling-bayan? Kamusta na po ang inyong mga bayan? Asensado na ba?
Para sa mga tao at buong lalawigan na apektado ng inyong simpleng pagliban na hahantong sa hindi pa rin pagkakapasa ng 2019 annual budget ng pamahalaang lokal ng lalawigan, pahamak ‘yung mga mayors na liban ng liban nang wala namang valid na dahilan.