Maglulunsad ng Oplan Baklas ang Commission on Elections (COMELEC) sa probinsya ng Romblon sa pagsisimula ng campaign period sa February 12 para sa mga tumatakbo sa national position.
Ayon kay Atty. Maria Aurea Bunao, Provincial Election Supervisor sa Romblon, nakipagpulong na sila sa Philippine National Police, at Department of Public Works and Highways (DPWH) para makapagbuo ng Task Force Baklas.
Sinabi ni Bunao na ang mga partikular na babaklasin nila ay ang mga malalaking posters na wala sa tamang sukat at nakalagay sa hindi common poster area na itinatadhana ng poll body.
Ang nasabing task force ay bubuoin sa 17 municipalities sa probinsya ng Romblon.
Sinabi ng COMELEC na March 29 magsisimula ang campaign period sa lokal na position kasama ang Gobernador hanggang Municipal Councilors, kasama ang repsentative ng distrito.