Isang Japanese company ang inaasahang magbibigay ng isang high-tech na device sa Provincial Government ng Romblon para mas makatulong para mas mapabilis ang pag-diagnose kung may tuberculosis ang isang pasyente.
Ayons a Japanese company na Eiken Chemical Co., Ltd, sa ngayon umano ay ibibigay muna nila ito sa Department of Health (DOH) at sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) dahil ang Pilipinas umano ay isa sa TB-burdened countries sa Asia Pacific region.
Ang nasabing device na tinawag nilang TB-LAMP or Loop-Mediated Isothermal Application machine, ay isang device na alternatibo sa sputum smear microscopy, at nirerekomenda ng World Health Organization (WHO) para mas mapabilis ang pag-diagnose kung may tuberculosis sa mga health centers.
Sa tulong ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at ng ilang private sectors, dinala ng Eiken Chemical Co., LTD, ang nasabing Japanese technology sa Pilipinas bilang tulong para masagot ang problema ng bansa sa iba’t ibang development issues, kasama na ang problema sa kalusugan sa bansa.
Ang TB-Lamp ay nagamit na sa tatlong health center sa Laguna, Las Pinas City, at Antipolo City, na naging pilot area ng nasabing machine sa Pinas.
“Japan’s research institutions and private sector companies possess expertise in varying health issues. Through the Japan International Cooperation Agency (JICA), we’d like to pilot said technology to vulnerable areas in the Philippines, contribute to effectively addressing the TB burden, and promote quality of life among Filipinos,” pahayag ni JICA Philippines Senior Representative Ayumu Ohshima sa isang statement.
Sinabi rin ng Eiken Chemical Co., Ltd na maliban sa Romblon, bibigyan rin ng TB-Lamp ang San Lazaro Hospital, at Commonwealth Health Center sa Quezon City.