Pinaburan ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ang pagkapanalo ni Romblon lone district Representative Emmanuel Madrona base sa 41-pages na decision na nilabas ng HRET nitong Lunes, February 04.
Base sa over-all result, ang lamang ni Madrona na 255 votes kay dating Calatarva Mayor Robert Fabella ay nadagdagan pa ng 91 votes para umangat ng 346 votes ang total na lamang ng nanalong Congressman na si Madrona.
Si Fabella ay nakakuha umano ng 57,568 votes habang si Madrona ay nakakuha ng 57,914 votes matapos na masuri ang lahat ng election documents at balota.
Sa interview ng Romblon News Network kay Congressman Emmanuel Madrona nitong Lunes ng hapon, sinabi niya na ‘di bali, tapos na’ rin umano ang nasabing election protest.
Sinubukang tawagan ng pahayagang ito si dating Mayor Bong Fabella ngunit hindi ito sumagot sa aming tawag.