Nakiisa ang mga estudyante ng Concepcion Central Elementary School sa ginanap na 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill para sa taong 2019 nitong Huwebes, February 21.
Pinangunahan ang earthquake drill ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Concepcion, Concepcion Municipal Police Station, at Bureau of Fire Protection.
Ayon kay Police Inspector Agusitn Aban, hepe ng Concepcion Municipal Police Station, ganap na alas-2 ng hapon ng tumunog ang hudyat na di umano’y may tumamang malakas na lindol sa isla, dahilan para mag ‘duck, cover and hold’ ang mga estudyante ganun rin ang mga guro.
Matapos mag ‘duck, cover, and hold’, sabay-sabay naman silang pumunta sa ligtas na lugar para doon magbilang kung may kulang sa kanilang grupo.
Tinuruan rin ang aabot sa 122 na estudyante ng Concepcion Central Elementary School ng mga dapat gawin kung sakaling may sakuna na tumama sa kanilang paaralan.