Pinagbabaklas ng Commission on Elections (Comelec), Romblon Police Provincial Office at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ilang campaign posters ng mga kandidato para sa pagka-Senador sa bayan ng Romblon, Romblon dahil sa paglabag sa Omnibus Election code.
Ayon kay Atty. Maria Aurea Bunao, Provincial Election Supervisor sa Romblon, hindi sumunod sa tamang sukat ang mga tinanggal nilang posters.
Samantala, sa ibang bayan, nagsimula na ring gumalaw ang mga election officers kasama ang Philippine National Police para baklasin ang mga campaign posters na wala sa common poster area, nakalagay sa puno, at poste ng koryente.
Muli ring paalala ni Atty. Bunao na hangang 2 by 3 feet lamang ang tamang sukat ng mga poster na maaaring ilagay sa private properties; Habang 12 by 16 feet naman ang maximum board structure para sa mga common poster area.