Love month na, pero nag-aalala ka dahil ‘Single’ ka o wala ka sa ‘In a relationship’ status, wag na mabahala ayon sa Department of Social Welfare and Development – MIMAROPA dahil hindi ka naman umano nag-iisa.
Ayon sa 2015 DSWD Listahanan database, may natukoy na 352,028 single sa buong MIMAROPA Region (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) at pinakamaraming bilang by percentage rito ay naitala sa bayan ng Banton, Romblon.
Sa populasyon ng Banton, Romblon, 19.2% rito ay single, sinundan ito ng Cagayancillo, Palawan na may 19.1% at Lubang, Occidental Mindoro na may 18.9%.
Nagpaalala rin ang DSWD-MIMAROPA sa mga single pero may-anak na o tinatawag nilang single parent na may mga benepisyo silang pwedeng makuha sa ilalim ng The Solo Parent Act of the Philippines” o ang RA 8972 kagaya ng Solo Parent leave, tulong pagdating sa edukasyon, health at housing.