Walang naitala ang Police Regional Office MIMAROPA na mga nasugatan o namatay dahil sa paputok o stray bullet sa buong lalawigan ng Romblon nitong nakalipas na holiday season, gayun din sa ibang probinsya sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan).
Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, hepe ng Regional Public Information Office ng PRO-MIMAROPA, mula December 16 hanggang 6am ng January 01 ay wala silang naitalang nasugatan, namatay, o isinugod sa ospital dahil sa firecrackers- o stray bullet-related incident.
Aabot naman sa 1,247 police personnel ang kanilang inilagay sa mga matataong lugar sa buong MIMAROPA Region sa kasagsagan ng holiday season para magbantay, bahagi ito ng kanilang Operation Plan Ligtas Paskuhan 2018.
Wala ring pulis sa MIMAROPA ang iligal na nag-discharge ng kanilang mga firearms sa pagsalubong ng bagong taon.