Ayon sa Chinese Zodiac Sign, ang taong 2019 ay ‘Year of the Earth Pig’. Kaya’t marami rin sa mga Pinoy na naniniwala sa mga kasabihang Chinese at Feng Shui ang inaayon ang kanilang paghahanda at pagsalubong sa bagong taon ayon sa mga nababasa na umano’y mga katangian ng earth pig, at kadalasan ay pinapaniwalaan ang hula patungkol sa tmga tinatawag na ‘swerte at malas’ na dala ng taong 2019.
Of course, nirerespeto natin ang mga taong naniniwala sa mga katulad na kasabihan.
Subalit, sa mga taong mas naniniwala sa Diyos na may kontrol sa lahat ng bagay, na totoong pinanggagalingan ng mga biyaya, at may kapangyarihang hadlangan o ‘wag pahinutulutan ang mga masasamang bagay na mangyayari sa tao, kamusta naman kaya ang pananampalataya sa Kanya?
Kanino nga ba dapat ibigay ang pananampalataya, sa swerte o malas na dala umano ng year of the earth pig, o sa Diyos na Buhay na Siyang may kontrol sa lahat ng bagay?
Lalong-lalo na para sa mga mananampalataya, ang taong 2019 ay taon ng Diyos pa rin, at hindi ng kung ano o sinupaman.