Natapos nang isaayos ang runway ng Marinduque Airport at inaasahang muling babalik na ang biyahe ng mga eroplano sa lalawigan.
Ito ay matapos ihayag kamakailan ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco na bukod sa pagsasaayos ng runway ay mas napahaba pa ito kumpara sa dati nitong distansya.
Dahil sa natapos na proyekto, ipinangako ni Velasco na makikipag-ugnayan ang kaniyang tanggapan sa tanggapan ng Cebu Pacific upang makipagkasundo sa iskedyul ng paglipad ng mga eroplano sa probinsya ngayong Disyembre o sa Enero 2019.
Noong nakaraang Pebrero 2019 ay kinunsulta ni Velasco ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pangunguna ni Acting Chief Admin. Engr. Raul Glorioso ang timetable ng pagsasaayos ng paliparan.
Pahayag naman ni Velasco, may malaking maitutulong sa turismo at sa oras ng sakuna ang posibleng pagbabalik ng airline flights sa Marinduque. (Adrian B. Sto. Domingo/PIA-Mimaropa/Marinduque)