Ang Romblon News Network, o mas kilala sa tawag na Romblon News, o kaya naman ay RNN, ay hindi lamang pagbabalita ang aatupagin simula ngayong taong 2019. Sabagay, dati ng kilala ang RNN hindi lamang sa pagbabalita sa mga kaganapan sa lalawigan ng Romblon, kundi maging sa mga serbisyo nito sa publiko at gobyerno. Kung kaya’t hindi na nakapagtatakang taon-taon ay nagagawaran ng parangal ang RNN. Ang RNN ang nagsisilbing mainstream media ng Romblon province.
‘Connecting Romblomanons Worldwide‘ ang direction ng RNN sa taong ito.
Dahil sa bagong inspirasyon ng RNN para mas mapaganda pa nito ang mga serbisyo para sa publiko ay minarapat na binago nito ang kanilang logo.
Ang logo ay nagsisimbulo ng : 1) Bilog – mundo kung saan naroroon ang mga Romblomanons; 2) RNN na nakakabit – dahil konektado ang mga Romblomanons sa buong mundo; 3) Ang kulay na Pula – ay nagsisimbulo ng pantay, matapang at walang kinikilingang pagbabalita.