Ini-veto ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic ang resolusyong ipinasa ng Sangguniang bayan ng Odiongan na nagbabalik ng Annual Investment Plan (20% development fund) sa Municipal Development Council (MDC).
Sa veto message ng alkalde na nakuha ng Romblon News Network mula sa legislative department, sinabi nito na ‘ultra vires’ o mapanghamak para sa pangkalahatang kapakanan ng publiko ang Resolution No. 2019-01 o ang “Resolution Sending the MDC Budget (20% Development Fund 2019) to the MDC for their Consideration and Further Deliberation on the Proposal of the Sangguniang Bayan of Odiongan, Romblon”.
Sinabi sa sulat na malinaw umano sa batas na ang Municipal Development Council ang pwedeng mag-determina sa mga pangunahing proyekto na kanilang bibigyan ng pundo.
“The MPDC solicited proposals from the barangays as well as the departments prior to the Municipal Developmeng Council meeting, as well as during the MDC itself,” ayon sa bahagi ng liham.
“To allow such a resolution from the Sangguniang Bayan would defeat the very purpose and function of the Municipal Development Counci,” ayon pa sa bahagi ng liham ng alkalde.
Sinagot rin ng alkalde sa liham na hindi pinababayaan ng munisipyo ng Odiongan ang kalusugan, edukasyon, potable water supply, at ang livelihood na tinukoy sa Reso No. 2019-01.
“From 2016 to 2018, the LGU allocated more than Fourteen Million Pesos for health and was able to outsource funding of Five Million Pesos for the RHU from the DOH, One Million Pesos from Senator Risa Hontivero as well as a value of 1.5Million pesos of vitameal, manna pack, and subsidies for nutrition from private sponsors. The LGU allocated 12.7Million pesos from local funds and other sources from 2016-2018 for education, and has commitments from Ayala Foundation, Philam Foundation, Filipino-Chinese Chamber of Commerce, and private sponsors for tablets, and educational equipment, classroom and infrastructure,” ayon sa sulat ni Mayor Fabic.
“For livelhood, the LGU has allocated or sourced out as least 7.97Million pesos for various micro enterprises, local organizations and associations,” dagdag pa sa sulat.
Sinabi rin dito na naglaan noong 2016-2018 ng aabot sa halog P10million mula sa BUB/ADM/AM para sa mga potable water supplies sa 12 barangay sa Odiongan.
Batay sa Reso No. 2019-01 na inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Odiongan, ang pagbalik nila sa MDC Budget ay para umano matingnan at makonsidera ng MDC na sa halip na sa itatayong Government Center mapunta ang P8-million mula sa 20% development fund, ito ay gamitin nalang sa health, livelihood, at potable water system sa Northern part ng Odiongan.
Ang nasabing sulat ay ibinigay na sa Committee on Appropriation na pinamumunuan ni SB Member Romeo Chua para matalakay ang legalidad ng pag-veto ng alkalde sa resolusyong ipinanukala ni SB Member Rollie Lachihca.