Sisimulan ng itayo sa Barangay Anahao sa bayan ng Odiongan ang bagong extension building ng Odiongan District Jail matapos ipagkaloob ang nasabing lupa ng isang retired teacher na si Mrs. Elmina Fallar.
Sa groundbreaking ceremony nitong Biyernes, January 25, sinabi ni J/SSupt. Revelina Sindol, Regional Director ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) – MIMAROPA, na ang itatayong gusali ay malaking tulong para maiwasan ang pagsisiksikan ng mga nakakulong rito o tinatawag nilang person deprived of liberty (PDL).
Siniguro rin ni Sindol na ang lupa ay magagamit sa pagpapatayo ng isang modern penal facility sa bayan at popondahan ng Regional Office ng BJMP-MIMAROPA.
Samantala, pinasalamatan rin ni Sindol si Mrs. Elmina Fallar na nagbigay sa gobyerno ng bahagi ng kanyang lupa para magamit sa mga proyekto ng pamahalan.
Ang nasabing groundbreaking ceremony ay dinaluhan nina Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, Vice Mayor Mark Anthony Reyes, SB Chow Chua, Mrs. Elmina Fallar, DILG Provincial Director German Yap, mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection, at ng Provincial Mobile Force Company.