Nakakataas ng presyon itong balita tungkol sa pagkansela ng panukalang Dialysis Center sa Romblon Provincial Hospital (RPH) dahil sa hindi pa naipapasang 2019 budget ng Probinsya, Ika nga sa isang kasabihan, ‘pera na naging bato pa’. Siguradong malaking tulong ito sa mga Romblomanons, kasi mas magiging accessible ang ganitong pasilidad, kasi sa ngayon e kinakailangan pang lumuwas para sa treatment ng mga ganyang uri ng sakit. (Read related news here)
Bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi pa naipapasa ang 2019 pundo ng provincial government? E paano nga ito maipapasa kung sa tuwing tumatawag ng meeting ang Provincial Development Council para rito e laging walang quorum, dahil absent ang nakararaming mga voting members ng nasabing konseho – na binunubuo ng mga mayors ng iba’t ibang bayan sa lalawigan.
Hindi tuloy maiwasang hindi isipin na nahahaluan lamang ito ng negatibong pamumulitika, dahil tila nagkataon na ang mga nasabing mayors na laging absent e nasa kabilang partido. Depensa naman nitong mga mayors, hindi sila namumulitika, bagkus may iba lang talagang importanteng naunang schedule. Whatever, sige lahat ng reasons accepted.
Pero please naman, once and for all, di ba pwede nating ma-close na tong budget na’to for the sake of the Province and the Romblomanons regardless of political inclinations? Tutal ayaw naman natin masabihan na pinupulitika ito, then show up, paki-bigyan ng priority and attendance sa nasabing PDC meeting.
I would suggest sa Secretariat ng PDC, calendar the PDC meeting ahead of time, send formal invitation to all mayors, not just by email. Send first reminder 2 weeks before, second reminder 1 week before, and final reminder 2 days before, then call each mayor 1 day before the scheduled meeting. I believe, if this is done, time can easily be managed and that these mayors will no longer have excuses at all not to attend. Kung di pa sila umattend despite all these efforts, abah pedeng maging legal na usapin na yan.
Secondly, the good president of League of Municipalities of the Philippines (LMP) Romblon Chapter sa katauhan ni Corcuera Mayor Rachel Bañares ay maaaring makatulong upang kumbinsihin ang lahat ng mga mayors na bigyan ng panahon ang pagdalo sa susunod na PDC Meeting. I have no any issue against Mayor Rachel Bañares, in fact, she’s good and I believe she’s apolitical sa usaping ito, and as the president of LMP Romblon, I call on Mayor Rachel Bañares to urge all other mayors to prioritize attendance in the next PDC Meeting. Kaya naniniwala ako na sa susunod na PDC meeting e, may quorum na yan.