Pumanaw na nitong umaga ng Lunes, January 07, sa edad na 87 ang Gobernador ng lalawigan ng Marinduque na si Carmencita Ongsiako Reyes.
Ito ay kinumpirma sa pamamagitan ng isang facebook post ng apo ng Gobernador na si Lorenzo Reyes.
Aniya, ‘Nanay Carmencita peacefully joined her Creator and her husband, former Immigration Commisioner Edmundo Sr. on January 7, 2019.’
“Nanay Carmencita will be always remembered for her dedicated and untiring service to the people of Marinduque. In lieu of flowers, the family would appreciate donations to the Monastery of St. Clare, Bantad, Boac, Marinduque,” dagdag ng batang Reyes.
Hindi sinabi sa facebook post ang ikinamatay ng Gobernador.
Si Reyes ay nagsilbi bilang Interim Batasan Pambansa Assemblywoman for Region IV noong 1978, hanggang maging Assemblywoman at Congressman ng Marinduque.
Naghain pa ng certificate of candidacy (COC) ang Gobernador para sa pagka-kongresista para sana sa Election 2019 ngunit kalaunan ay nag-anunsyong aatras nalang sa karera para mag retiro.
Sa report ng Romblon News Network affiliate na Marinduque News, magsisimula ang public viewing sa burol ng Gobernador sa Martes, January 08, sa Heritage Memorial Park sa Taguig.