Nangako ng mapayapang Election 2019 ang lahat ng mga kandidato sa provincial level sa pangunguna ng magkalaban sa pagka-congressman ng lone district ng Romblon na sina Atty. Eleandro Jesus Madrona, at incumbent Governor Eduardo Firmalo.
Nanumpa ang dalawang partido sa Romblon Public Theater nitong Linggo ng umaga sa harap ng mga residente ng Romblon, Romblon.
Nagsagawa rin ng Inter-Faith Prayer Rally, Peace Covenant Signing, at Unity Walk ang mga kandidato paikot ng Poblacion, Romblon.
Ang naturang gawain ay magkasamang itinaguyod ng Philippine National Police (PNP), Commission on Elections (Comelec) at Department of Interior and Local Government (DILG) kasama ang mga nasa Religious Sectors, Romblon MPS, PCG, BFP, BJMP.
Ayon kay Atty. Maria Aurea C. Bo-Bunao, Provincial Election Supervisor, ang programang ito ay naglalayung magkaroon ng pagkakasundo ang mga partido para mapanatiling tahimik, at malinis ang eleksyon sa Mayo.
Nangako rin ang kapulisan sa pangunguna ni Police Senior Supt. Arvin Molina, Provincial Director ng Romblon PPO, na masigasig nilang babantayan ang kanilang nasasakupan at ipagpapatuloy ang comelec checkpoint na ginagawa araw araw.