Tiklo sa pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency – MIMAROPA, Romblon Police Provincial Office, at ng Romblon Municipal Police Station ang isang lalaking nagbebenta umano ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Ayon kay Senior Inspector Lendelyn Ambonan, spokeperson ng Romblon Police Provincial Office, tanghali nitong Miyerkules, January 09, nang magsagawa ng anti-illegal drug buy-bust operation ang mga operatiba laban sa suspek sa Kalye langit, Brgy. Bagacay, Romblon, Romblon.
Nakuha sa suspek na si Ivan Tristan Cadelino Amor, 32, ang walong sachet na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana, pera, at cellphone.
Isinagawa ang inventory sa harap mismo ni Romblon Mayor Mariano Mateo at ni Mrs. Sabrina Malacapo, representative ng DOJ.
Dinala ang suspek sa Romblon District Hospital para isailalim sa medical and physical examination at ngayon ay nakakulong sa Romblon Municipal Police Station.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.