Hinikayat ng Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) ng Sangguniang Bayan ng Odiongan na si Lettie Magango ang iba pang miyembro ng konseho na madaliin na ang pagpasa sa panukalang pondo ng pamahalaang lokal para sa taong 2019.
Sa ginanap na hearing ng committee on appropriation nitong hapon ng January 03, sinabi ni Magango na ngayong nagpalit na ng chairman ang committee on appropriation, dapat umano ay madaliin na ang pagpasa sa panukalang pondo sa susunod na mga araw at linggo.
“Dapat maipasa na yan, kung pwede tayong mag series of committee hearing, at special session para maipasa yang budget na yan, gawin natin,” pagsalin sa sinabi ni IMPR Magango na nasa salitang ASI.
Pinaburan rin ni SB Rollie Lachica, bagong vice chairman ng committee on appropriation ang mungkahe ni IPMR Mangano, aniya, balak ng majority na ma fast-track ang pagpasa sa panukalang pondo. Sa rekomandasyon ni Lachica sa committee hearing, sinabi nito na simulan na ang pag fast-track sa pagpasa sa budget kapag tapos ng makapag-convene muli ang Municipal Development Council (MDC) para pag-usapan ang ilan nilang rekomandasyon patungkol sa ilang projects na paglalagan ng 20% Development Fund.
“We have no power to revise, modify the MDC fund. Nag-appeal lang naman kami…we have no problem with the budget,”
Tinanggap na rin ni SB Lachica ang paliwanag ni Municipal Planning and Development Officer (MPDO) Rosebi Agaloos patungkol naman sa mga nakaprogramang projects ng MDC katulad ng paglaan ng paunang 8-million pesos para sa pagtatayo ng Government Center sa Barangay Dapawan na magiging bagong Municipal Hall ng Odiongan.
Sinabi ni Lachica na wala silang magagawa kundi tanggapin kung mag desisyon man ang MDC na hindi nila babaguhin yung proposal na pinasa nila sa Sangguniang Bayan.
Mangango denies she recieved P50k to vote in favor of the majority
Samantala, sinabi ni IPMR Mangango na wala siyang itensyong harangin ang pagpasa sa budget, at hindi rin umano siya nabayaran ng sinuman para bomoto pabor sa mosyong nagbabakante sa mga position ng lahat ng committees ng legigslative department.
“Ako’y tinitira sa social media, doon daw sa P50,000. Ngayon, yung P50,000 na yan, wala po akong natanggap kahit isang sentemo, ako pa yung namigay noong pasko! Basta, wala akong natatangap, walang nagbibigay sa akin,” ayon kay IPMR Magango.
Sinabi rin ni Mangango na ang pagboto nito ay binase niya sa nangyaring deliberation sa ginanap na regular session noong December 27, 2018.