Binigyang diin ng bagong direktor ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) na si Police Senior Superintendent Marion Balonglong na tututok ang kaniyang pamunuan sa paglilinis ng kanilang hanay o mga tauhan na naligaw ng landas sa Pambansang Pulisya sa lungsod.
Sinabi ni Balonglong na naaayon sa mga programa na ipinatutupad ng kasalukuyang pinuno ng PNP sa bansa ang kaniyang mga bibigyang pansin, sapagkatkabilangsakaniyangpagtutuunan ay ang kampanyakontrasailigalnadroga at labanan ang kriminalidad.
“Hindi po tayolalayosa projects and programs ng ating chief PNP (Director General Oscar Albayalde) na internal cleansing saloob ng PNP, second is the campaign against illegal drugs at ang pangatlo ay ang anti-criminality campaign,” tinuran ni Balonglong sa panayam ng mga mamamahayag.
Pumalit sa posisyon bilang ‘acting city police director’ si Balonglong mula sa dating namumuno rito na si Senior Superintendent Ronnie Francis Cariaga sa idinaos na ‘turn-over of command’ kamakailan na ginanap sa bagong gusali ng pamahalaang panlungsod.
Si Balonglong ay huling nanungkulan bilang hepe ng pulisya sa lungsod ng Las Piñas at nailipat noong Nobyembre 2018 dahil sa ‘command responsibility’ bunsod ng pagkakasangkot sa kaso ng ilan sa kanyang mga tauhan.
Samantala, sa kaniyang mensahe, hiniling ng opisyal ang suporta at pakikiisa ng mga tauhan ng PPCPO sa mga iiral na polisiya at programa sa kaniyang bagong pamunuan.
Nangako rin ang bagong direktor ng taimtim na koordinasyon sa Commission on Elections (Comelec) hinggil sa mga nararapat na pairalin ngayong panahon ng eleksiyon. (Leila B. Dagot/PIAMIMAROPA-Palawan)