In demand lalo na ngayong bagong pasok palang ng 2019 ang mga alkansyang gawa ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na nakatira ngayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) – Odiongan District Jail sa Odiongan, Romblon.
Ang mga nasabing alkansya ay gawa sa mga bao ng niyog at pinagdikit-dikit para magkaroon ng hitsura kagaya ng pusa, ibon, at iba pa.
Bilang tulong sa mga PDL, ang Odiongan District Jail sa pamumuno ni District Jail Warden J/SINSP Irene D. Gaspar ay naglagay ng pwesto sa loob ng compound ng ODJ para malagyan ng mga finished products na gawa ng PDL.
Makakatulong umano ito para magkaroon ng libangan at magkaroon rin ng kitang pangkabuhayan ang mga PDL habang sila ay nasa loob ng kulungan.
Maliban sa mga gawang alkansya, may mga produkto rin ang mga PDL na lampshade na gawa parin sa sa mga bao ng niyog, mga keychains, wallets, at mga furniture sets.