Tiklo ang isang 59-anyos na lolo kasunod ng isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency – Romblon, Provincial Intelligence Branch, at ng Odiongan Municipal Police Station sa bayan ng Odiongan, Romblon nitong Biyernes, January 25, ng gabi.
Kinlala ang subject ng operasyon na si Melchor Magnaye, residente ng Barangay Anahao.
Ayon sa PDEA-Romblon, nabilhan ng nag panggap na poseur buyer ang suspek ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa halaga umanong 3,000 pesos. Matapos magkaabutan, agad na inaresto ng mga operatiba ang suspek na galing pa sa sentro ng Odiongan at pauwi na ng oras na iyon.
Nakuha sa suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu, at ang isang P500 genuine bill, tatlong P500 fake bill, at P1,000 fake bill, na ginamit bilang buy-bust money.
Sumuko umano sa Oplan Tokhang ang suspek ngunit namonitor ng mga kapulisan na patuloy parin umano sa bisyo hanggang sa masakote nitong Biyernes.
Itinangi naman ni Magnaye ang kwento ng mga operatiba, aniya, wala siyang alam sa shabu, binantayan lang umano siya sa daanan nila pauwi. Hindi rin umano siya gumagamit ng shabu, at handa itong magpa-drug test sa ospital.
Nakakulong na ngayon sa Odiongan Municipal Police Station ang suspek.